Gandaaaa! Kandidata, nakahanap ng jowa online
Description
Sa mga tinatamad mag-back to reality, effective pampagising at pampataas ng energy and dance party na handog ng The Manoeuvres sa pangunguna ni Joshua Zamora at Michael Flores. Ngayong Martes, for sure panibagong trending sa mga marites ang puksaan ng new batch of candidates sa Miss Q and A. Ipagkalat n'yo na ang husay at aliw na hatid nina Brianna Isabela Apostol, Solenn Seige Garcia Centino, at Zaidrin Garcia. Sa rampa pa lang ni Brianna, halata na agad na batak siya sa pageants. Samantala, trying to be okay and happy naman si Solenn, na fresh from breakup just two weeks ago. Kahit nasasaktan pa rin, tinuturuan niya ang isip na maging matatag, reminding herself that she's going to be okay. Sabi nga ni Vice Ganda, normal lang sa isip ng tao ang mag-overthink pero maganda ang mindset ni Solenn dahil nagagawa nitong kontrahin ang lungkot at negatibong bagay na pumapasok sa isip. Dagdag nga ni Brent Manalo, malaking tulong ang kakayahan na kontrolin ang isip. Back to the pageant, pinanindigan ni Zaidrin ang pagiging 'laro' of the day, with her 'amats' answers sa Tumpak Ganern round. Hirit ni Meme, ayaw na niyang kausapin ang kandidata. Nakakaloka! Pagdating ng Wit Lang, sina Solenn at Brianna ang nagharapan. Nabunot ni Brianna ang tanong na, "Kung tinamaan ka sa mukha ng bato bato sa langit, 'di ka ba magagalit?" At ang kaka-break lang sa jowa na si Solenn, humugot sa tanong na, "Kung tinapay ka, sasaya ka ba kung putok ka?" Back to reality ang Madlang Players na sumubok sungkiting ang swerte sa Laro Laro Pick, kung saan umabot na sa P300,000 ang POT money. Sila ang mga taga-San Juan! Kinilala ng hosts si Jane, na sobrang excited makita si Ogie Alcasid. Isa siyang volunteer firefighter sa kanilang lugar. Kaya salamat sa serbisyo, nanay Jane! Tricycle driver, sweet lover naman si player Dan, na ina-attract ang positivity sa pamamagitan ng ngiti. Pero bakit hindi makatingin si Dan kay Ate Girl Jackie?! Umangkas sa byaheng swerte si player Jacky. Ang hanapbuhay niya, may kinalaman sa WiFi. Maka-connect kaya siya sa POT question? Basta, si Ryan Bang naniniwala na ang mabait na kapitbahay, walang password ang WiFi. #MeLambaShowtime #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Finally found a site that plays Hindi dub smooth and fast. Kudos!
Quality is amazing! Hindi dub episodes load super fast.