NXLY
Back
It’s Showtime
Reality

It’s Showtime

0 2026 Philippines -- min

Description

First-ever winner sa Eurovision Asia? Syempre, Filipina! Dahil sobra-sobra ang pride na ibinigay niya sa bansa, making history as the first winner of Eurovision Asia, isang sobra-sobra sa love and energy na homecoming ang salubong ng "It's Showtime" kay TNT champ Carmelle Collado, who peformed her winning piece, "Sobra-Sobra," live for the Madlang People. Sa talakan, hindi uso ang lowbat. Full energy dapat! Sa mga hirit pa lang ng mga kandidata, samahan pa ng kulitan nina Jhong HIlario, Vhong Navarro, at Vice Ganda, siguradong gising ka na! Pasa is bog ang rampahan nina Joyce De Jesus Garcia, AJ Albay, at Jess Rivera. Sa Tumpak ganern round, dapat following instructions sa pagsagot sa trivia questions para ang laban ay hindi maudlot at hindi umuwing lotlot. Pero dapat malinaw rin ang tanong, 'di ba, Kuys Vhong? Sa hinaba-haba ng tanungan, sina Joyce at AJ ang pumaslak sa WIT Lang round. Pansit ang gustong matikman ’pag napadpad sa Malabon. Pero sa araw na 'to, POT money ang craving ng mga taga-Panghulo. Sila ang bumida sa Laro Laro Pick game arena, bitbit ang pag-asa. Sa hairstyle pa lang, pang-classroom muse na ang dating ni Mutya, pero teka, gumagalaw ba ’yung braces niya o niloloko lang tayo ng ating mga mata? From kulitan mode, naging touching ang mga tagpo nang si Mutya muntik maluha sa yakap ni VIce Ganda. Kung tinamaan ka nga naman ng swerte! Si Muty ang nabunot para sa jackpot round maglaro. #ShowtimeSobrangProud #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

Resources By NXLY