NXLY
Back
It’s Showtime
Reality

It’s Showtime

0 2026 Philippines -- min

Description

Kung ’di ka pa nagising sa alarm mong paulit-ulit, buti na lang may Jessica Villarubin na bumirit. Kung boses niya ang magiging alarm mo, siguradong hindi ka na hihirit ng "five minutes pa" dahil agad kang babangon na. Laban na laban on a Monday noon ang mga beki na ang confidence level ay abot hanggang moon. Dazzling habang rumarampa ang mga bading! Meet Jayzee Parafina Ariola, Dahlia Dakota, at Ivy Marie Jr. It's talent day today dahil pagdating sa kantahan at sayawan na lumalagabog, ang mga beki hindi magpapakabog. Pero dalawa lang ang pwedeng sumayaw going to the next round, at ito ay sina Dahlia at Jayzee na naunang makasagot sa Tumpak Ganern. Sa Wit Lang, nabunot ni Dahlia ang tanong na, "Tatanggap ka pa rin ba ng regalo kay Santa Claus kung politiko siya?" Ang kay Jayzee naman, "Kung pulis ka, huhulihin mo ba si Kupido 'pag nakita mong namamana siya?" Husay nila sa eskwela ay hindi na kailangan pang patunayan dahil Latin honors na ang magsasabi ng kanilang kakayahan. Pero sa Laro Laro Pick, ibang talino at diskarte ang kailangan ng mga Latin honors graduate upang ang POT money ay masungkit. Sa kuwentuhan with the hosts, napag-usapan ang A.I. o Artificial Intelligence. Ano nga ba ang opinyon ng kabataan tungkol dito? Magandang talakayan 'to! Sa pagmartsa niya sa entablado, cum laude ang karangalan na kanyang natamo. At dito sa Laro Laro Pick, siya rin ay panalo! Nilaban ni Kurt ang POT question! At salamata sa tiwala niya sa sarili, naiuwi niya ang P300,000 POT money. #ShowtimeAnongTawak #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

Resources By NXLY