It’s Showtime
Description
Hot like the weather outside ang HOT-aw dance number ni 'Ate Girl' Jackie Gonzaga. Hindi na kailangan pang hipan ang birthday candles sa cake niya dahil siguradong tunaw agad ang mgga kandila sa moves niyang naglalagablab. Sabay-sabay ang palakpak at hiyawan para sa sangkabaklaan. Tatlong beking magagaling, nagbabalik sa Miss Q and A para sa pagkakataon na rumesbak at pumaslak. Welcome back, Jass Lucky, Gabriela Duevall, at Billy Labitan Yadao! Sa Wit Lang, napa-"juice ko po" na lang siguro si Jass dahil sa challenge na hatid ng tanong na "Hihingi ka ba ng tawad kapag nagkasala ka sa juice?" Parang mind game naman ang tanong na nabunot ni Gabriela, "Pwede ba kayong mahuli ng trespassing kung apat kayo?" At marami ang naaliw sa talak ni Billy, na ginamit pang example si Vhong Navarro as she answered the question, "Kung flat ang ilong mo, bakit hindi mo ipa-vulcanize?" Sina Billy at Jass ang nagsalpukan sa Beklamation round kung saan ang tanong na naghihintay sa kanila ay, "Kung ikaw ang sumusunod, sino ang pagbabawalan mong gumamit ng social media?" Sa Laro Laro Pick, sumugod ang mga bisitang sanay mag-spike ng bola. Ang P200,000 POT money, ma-mine kaya nila? Mga volleyball players ng liga ang bumida sa game arena. Nakalusot sa unang set of challenges si player, na nakukuha pa ring ngumiti sa kabil ng mabigat na pinagdaanan. Hindi natuloy ang nakaplanong kasalan dahil sa pagpanaw ng kanyang fiancé. Pero naniniwala siyang ginagabayan siya ng mahal, kaya sa POT question siya'y sumugal. #ShowtimeLangNakaisip #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Finally found a site that plays Hindi dub smooth and fast. Kudos!
Quality is amazing! Hindi dub episodes load super fast.