It’s Showtime
Description
Inabangan ng sangkabaklaan ang harapan ng mga beki na mahusay sa talakan. Mula Lunes hanggang Biyernes sa “It’s Showtime,” sinala ang mga kandidata sa Miss Q and A Resbakulawan, at sa araw na 'to, Sabado, nagkaalaman na kung sino sa limang weekly finalists ang best. Chukchak mode on sina Ivern Doroteo, Ringo Antonio, Jeraldine Brittany Hawthorne, Franco Gray, at Billy Labitan Yadao. Bago ang talak, sunod-sunod agad ang patutsada ng mga baklang 'di pakakabog sa isa't isa. At sino itong kandidata na tila ba napagtulungan ng mga kasamahan? Mula lima, apat ang pumaslak sa Wit Lang round. Mga tanong dito, hindi naman kailangan dibdibin, mas okay kung sasakyan ang 'amats' at lalaruin. At ang Top 2 wittiest candidates of them all, sina Billy at Ringo, umabante sa next round na Beklamation. Umugong ang swerte sa Laro Laro Pick game arena! Umugong din ang pag-asa para sa players na mula sa Brgy. Ugong, Pasig City. Sino kaya ang makakatawid hanggang jackpot round, at makakapag-uwi ng POT money na P300,000? Fresh frm breakup pa si Sharmy nang maki-join sa kulitan sa Laro Laro Pick. Naikuwento rin niya kung bakit sila naghiwalay ni ex. At ang dahilan? Girl best friend! Kaya sina Anne Curtis at ibang hosts ay napaisip, red flag ba ang isang taong committed na pero super close at minsan nag-a-"I love you" kay best? Umabante sa jackpot round ang mapagmahal na asawa at ama na si Kokey. Eh di isama na 'yan sa Team Loyal a.k.a. ang samahan ng mga takot sa asawa! #ShowtimeCore #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Finally found a site that plays Hindi dub smooth and fast. Kudos!
Quality is amazing! Hindi dub episodes load super fast.