NXLY
Back
Madlang People
Reality

Madlang People

0 2026 Philippines -- min

Description

Sweet seventeen, kaya ang happiness ay oh-so-blooming lalo na dahil "It's Showtime" family 17 years na nating kapiling. Kaya buong linggo na itotodo ang okasyon, so let's all join the celebration! What better way to kick off the fun than to just shut up and dance?! Hawak ng Showtime family ang beat at energy as they come together sa isang makulay at nakaka-hype na opening prod. Dis is your show, disisyete! Labimpitong taon na umapaw ang saya, pero sa game na 'to hindi pwede ang sobra, dapat Cash-Ya! Ang laro na palaging paborito ng Madlang People, nagbabalik! Versusan muna ang Team Vice Ganda at Team Vhong. May rules, opo, pero hindi maiwasan ang lamangan. Ang grupo ni Vhong, umapela agad sa simula pa lang! Twinkle, twinkle shining stars, mga gandang 'di mo inakala, kuminang na para bang diyamanteng pambihira. It's a special Miss Q and A edition sa pagsisimula ng 'Disisyete' week-long celebration. Pak na pak ang beauty ni River Joseph aka River Jean Phoa, na walang lapel at gray pants today dahil pakak-tail dress muna ang awra niya. Madlang People rin ay natulala sa ganda ni Vince Maristela aka Disney Vinces Maristela Araneta Siguion-Reyna. At para bang ang pagsusuot ng gown ay 'wala lang 'to' dahil pagrampa ay itinodo ni Ralph Miaco aka Ralph Mae Gento. Kapansin-pansin naman ang AZ Martinez na hawigan ni Ralph de Leon aka Masaralph de Leon. At mula South Korea, parang kimchi na hahanap-hanapin mo ang ganda ni Ryan Bang aka Saranghae Ronimo. Sina River Jean Phoa, Masaralph de Leon at ang masungit pero kaakit-akit na si Sranghae Ronimo ang pumaslak sa Beklamation round. Ang tanong sa Beklamation, "Anong gagawin mo kung ang hiling ng mga magulang mo ay dalhin mo na lang sila sa 'Home for the Aged' kapag matanda na sila?" Pare-parehong magagaling pero iisa lang ang pinakanagningning. Wagi bilang 2nd runner-up si River Jean Phoa, 1st runner-up si Saranghae Ronimo, at kinoronahan bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era Celebrity Edition winner si Masaralph de Leon. #Showtime17ProMaxxing #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

Resources By NXLY